Kung ano anong saloobin, repleksyon at pahayag sa mga pangyayaring naranasan sa masalimuot na landas ng buhay
Tuesday, January 24, 2012
Choices and Sacrifices
nagising ako around 5:30 am dahil sa lamig. January pa lang malamig na agad. susme. then narealize ko mag-february na pala. haist naman. now i know. malamig na nga talaga. araw na naman ng mga puso eh. kabilang ako sa SMP. samahan ng malalamig ang puso. haha. nagimbento eh no? anyway, un nga. nagising ako, pumunta sa lamesa para buksan yung laptop ko tapos eto blog blog na habang nakikining sa kanta ni Kiroro na Bestfriends. aww fvck. bestfriends.. ayan na naman. naalala ko nnman siya. kagabi magkausap lang kami. pero halata ko na parang wala siyang ganang kausap ako. sabagay.. ikaw ba naman magkakagana kausapin ung taong sinaktan ka? martir na lang gumagawa nun.. pero kahit ganun kinausap pa din nia ako. ako naman, pinilit maging masaya kahit na masakit sa loob ko. masaya ako kasi kahit papano kinausap nia ako. kahit alam kong nagpapakatanga ako na humahabol habol sa kanya. eto lang kasi ung way na alam ko para kahit paano hindi nia makalimutan na nageexist pa ako. oo alam ko, gago ako. pinakwalan ko tapos hahabulin ko? eh anong magagawa ko? naipit ako eh.at dahil duwag ako harapin ung mga bagay, siya ung nasacrifice ko. masakit sakin. sobra. kaya lang nanjan na eh. i couldn't turn back time to correct my mistakes. hindi na ako puedeng bumalik sa past para baguhin ung decision ko. all i can do now is accept the consequences of my decision and bear it even though it kills me. pero alam nio may na-realize ako sa mga nangyari samin. una, hindi lahat ng nagmamahal sau laging nanjan. dadating ung time na iiwan ka din nila. second, gaano mo man kamahal ung tao, pag mali ung gingwa nio, kahit masaya ka kailangan mo magdecide para sa tama. kasi kahit kelan, hindi naging tama ang mali gaano man ang sayang binibigay nito sau. kaya ikaw, pag nanjan ung taong binibigyan ka ng time, wag mo siya i-take for granted. you never know when he'll have enough of you to the point na magsasawa na siya. kung ayaw mo sa kanya sabihin mo agad para di ka na nia pagaksayahan ng panahon. isipin mo na lang, madami pang naghihintay na mahalin nia. di nia lang makita kasi.. NAKAHARANG KA..
Labels:
choices,
heartbreak,
love
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment