Monday, January 23, 2012

ganyan talaga eh..



madalas, pag naiipit tayo sa sitwasyon, tinatakasan antin. lumalayo tayo kasi feeling natin un na ung pinakamadaling paraan para makaalpas ka at makahinga. pero di natin alam, the more na iniiwasan natin un, the more na nahuhugot tayo paloob. sa pagiwas natin, layo tayong nilalapitan. kaya siguro, ang pinakamagandang gawin eh harapin un. give your decision and face the consequences. oo mahirap magdecide, lalo na kung sa pagdedecide mo alam mong may mawawala sayo. pero ganun talaga eh. you can't have anything you want. you need to learn how to let go. kc kung patuloy mong hahawakan ung isang bagay, hindi mo alam, nasasakal mo na pala. hanggang sa pinatay mo na. mas maganda na ung pinkawalan mo siya para lumigaya siya, kesa inangkin mo siya pero di naman siya masaya. ironic ang buhay eh. masanay ka na.


alam ko, madalas dumating sa buhay natin ung point na kailangan nating mamili, kung ito or ung isa. mahirap db? kc nga, ayaw nating makasakit ng damdamin ng iba. pag pinili mo yung una, masasaktan mo ung pangalawa. pag ung isa naman pinili mo, masasaktan mo ung isa pa. usually, sa ganitong sitwasyon pinipili ung safety line. ung tipong sa tanong na "this or that?" ung "or" ung pipiliin mo. playing safe eh. pero ang di natin alam na habang nagsesettle down tayo dun sa comfort zone natin, lalo lang natin pinahihirapan ung sarili natin. kung di ka pa magdedecide ngayon, kelan pa? pag malala na ung sitwasyon? pag magulo na? eh kung ganun  din naman pala, eh mas maganda na sanang nagdecide ka umpisa palang. at least sa time na un, hindi pa ganun kalalim ung confusion. nasa tao din kasi yan. sabi nga di ba, ikaw gagawa ng destiny mo. every decision  you make molds your future. it's either you decide for your happiness or you let it flow in any direction..

No comments:

Post a Comment